Sinta

 by Angelo Torio


Sinta

 

Aking sinisinta 

Ika'y napupuno ng hiwaga 

Kaya naman ako'y lubos na humahanga

 Sa iyong tinataglay na ganda 

Ako'y iyong nakuha

 

ika'y aking tunay na iniibig 

Ang aking nais ay iyong pag ibig 

Wala ng ibang ninanais 

Kung hindi ang matamis 

Na pag sagot sa aking pagnanais  

 

Ikaw ang aking maria clara 

Dahil gaya sa nobelang aking binasa 

Mayroon kang bukod tanging ganda

Sapagkat mayroon akong kakaibang mata 

Na tanging ganda mo lang ang nakikita 

 

Ang tula na ito 

Ay handog ko sa iyo

 Handog sa babaeng kagaya mong 

Laging pinapasaya ang araw ko 

At nagbibigay saya sa buhay ko  

 

Pagibig ay tunay na kakaiba 

'di alam kung anong pwede mong makuha 

Pero aking sinta huwag mangamba 

Dahil hanggat magkasama tayo aking sinta 

Ika'y bibigyan ng lubos na pag iingat at alaga 



Comments