Pag Ibig

by Angelo Llemos


Pag Ibig


Ang pag-ibig ay inspirasyon, 

Ngunit maari ito maging distruksyon, 

Kailangan may matatag na pundasyon, 

Upang magtagumpay sa bawat sitwasyon 

 

Depinisyon ng pag-ibig ay kay lawak, 

Halos di maarok ng ating utak, T

anging puso ang nakakaunawa, 

Kadalasan di alam Kung ano ang tama  

 

Ang pag-ibig ay delikado, 

Lalo na pag ika'y nahulog at di sinalo,

 Kapag ika'y umibig ito ay masaya, 

Ngunit pag nasaktan tiyak na luluha ka 

 

Kahit pag-ibig mo sa kanya'y tiyak, 

Pag nasaktan wag mag pakalunod sa alak, 

Pag gising mo durog padin ang puso mo, 

Hangover lang ang tanging napala mo  

 

Ang pag-ibig di kailangan hanapin, 

Kung para sayo ito'y kusang darating, 

Dapat matyaga mo itong hintayin, 

Sa tamang panahon ito'y mapapa-saiyo rin 

Comments