Nakaraan

 by Kyle Ty

 

Nakaraan

 

Isang mensaheng kay ganda

Para sa kaakit-akit na dalaga

Unang tingin palang ako'y nabihag na

Ng mapupungay mong mga mata.   

 

Labi mong kay pula, ang sarap halikan

Tinig mong kay ganda ang sarap pakinggan

Yung tipong araw-araw babalik-balikan

Hindi magsasawa kailanman 

 

Ako sana'y iyong pagbigyan

Na ika'y aking ligawan

Sa harap ng iyong tahanan ika'y haharanahin

Bibigyan ka ng matatamis na awitin. 

 

Ako'y nagpapasalamat dahil ako'y iyong sinagot 

Hindi makatulog dahil natatakot

Ngunit ngayong masaya na tayo 

Sana walang iwanan hanggang sa dulo  

 

Ginawa ko ang tula na ito 

Para sa aking minamahal at sa aming kwento 

Na kung aming babalikan 

Kay saya pala ng aming nakaraan    

       

 

      

Comments